O.C. Dawgs
Santa, Santa
[Intro: Bosx1ne]
Tsahahaha
OC Dawgs, ExB!

[Chorus: Bosx1ne]
Sulat para kay Santa
Alam mo bang naniniwala ako
At gabi-gabing naghihintay
Sulat para kay Santa
Sana lahat ng hilingin sa'yo
Matutupad at iyong mabigay
Sulat para kay Santa
'Wag niyo pong kakalimutan (Santa)
Ako ay regaluhan (Santa)
'Wag niyo pong kalilimutan (Santa)
Na ang dami niyo nang utang

[Verse 1: Flow G]
Pasko na naman, maaalala ka syempre
Kaso kahit minsan ay 'di pa 'ko sinwerte
Lumipas na lang ang napakadaming Disyembre
Wala pa din si Santa, ah, baka natabunan na ng nyebe
Medyo matagal na din akong nag-aantay
Dami mo nang sablay, kailan mo ilalagay
Sa medyas kong sinampay, 'yung regalo mong ibibigay
Pasyalan mo naman ako para 'di ako nagtatampo
Kasi umaasa ako na matutupad mo pa rin 'yung mga sana ko
[Verse 2: E.I.J.]
Mag— magpa-Pasko na naman, Santa
Sana naririnig mo ako sa'n ka man naroroon ay ako na ang pupunta
Para 'di na kita maabala, 'di makisabay sa mga bata
Nang maidaing aking hiling na mga 'di mo natupad nung isang taong pa
Akala mo siguro 'di ko na maaalala, may atraso ka pa sa'kin ng isang bigay
'Di ako pwedeng makalimot baka pwede mo namang ibigay na ng sabay
'Di naman sa pagiging mapilit pero siguradong 'di ka makakalusot
Umasa ka na, Santa, hahanapin kita kahit sa'n ka pa magsusuot

[Verse 3: Bullet-D]
Magandang umaga sa iyo, Santa
Malamig na ang simoy ng hangin sa kalsada
Habang nakadungaw ang ulo ko sa bintana
Iniisip na baka hindi mo na ako naalala
Kaya gumawa ako ng paraan
Para balikan mga sulat na sa'yo ko lamang nilaan
Kung 'di mo nabasa, ayos lang
Iba sa pakiramdam kasi alam ko na walang katapusan
Ang mga hiling ko sana mapansin mo
'Wag mo naman akong lampasan
Matagal ko nang inaasam na mabuo
Aking pamilya na ikaw lang nakakaalam

[Chorus: Bosx1ne]
Sulat para kay Santa
Alam mo bang naniniwala ako
At gabi-gabing naghihintay
Sulat para kay Santa
Sana lahat ng hilingin sa'yo
Matutupad at iyong mabigay
Sulat para kay Santa
'Wag niyo pong kakalimutan (Santa)
Ako ay regaluhan (Santa)
'Wag niyo pong kalilimutan (Santa)
Na ang dami niyo nang utang
[Verse 4: Brando]
Simula nung bata pa, sumusulat na
Hindi na makatulog, nakamulat pa
Inaabangan kung nakuha mo na
Ang wish ko sa medyas nakasabit pa
Umaasa na maibigay robot na laruan
Matagal ko nang hiling, sana 'di ka maligaw
Nasa'n ka na ba, right now?
Busy ka pa rin ba? 'Di nawawalan ng pag-asa
Baka naman na-traffic lang sa may EDSA
Kahit na matagal na 'kong nakaabang
Hindi naman ko na iinip sa regalo mo na sa'kin ibigay
Sa may Christmas tree mo na lang ilagay
Malamang ay masino na kalang bata
Na sa'yong regalo ay mas matagal nag-aantay

[Verse 5: King Badger]
Ano ba 'yan, lagi na lang katampo na kapag gan'to
Wala naman parang 'di naman totoo ka sa mundo
Ano ba'ng kulang ko, ba't 'di mo makita ang sulat ko?
Napakadaya mo inuna mo mga kaibigan ko
Dahil ilang taon na din kasi ako naging sabik
Sa pagdating kaso wala pa din, regalo na sasaluhin
Tatanggapin mula sa kaniya, hanggang abutin ng pagtanda
Pero naniniwala pa rin akong sa Pasko darating siya
[Verse 6: Emcee Rhenn]
Dami ko nang tampo, palagi na lang gan'to
Ako'y nagtataka na, na baka talagang walang katulad mo
Sadya bang busy lang kayo o baka naman ay hindi ka totoo
Iniisip ko na lang sana sa taon na 'to
Pagkakataon ko na para mapansin mo 'to
Kahit tila madalas ako nakadukdok
Minsan gusto ko na din na manuntok
Sa inis na tuwing Pasko ay lagi na lang na nauudlot
Ang lahat ng regalo na inaantay ko lagi sa bubong
Mga medyas kong sinabit na lahat ay natutong
Mga sulat na naipon at naluma sa kahon
Pero okay lang naman basta bumawi ka ngayon

[Chorus: Bosx1ne]
Sulat para kay Santa
Alam mo bang naniniwala ako
At gabi-gabing naghihintay
Sulat para kay Santa
Sana lahat ng hilingin sa'yo
Matutupad at iyong mabigay
Sulat para kay Santa
'Wag niyo pong kakalimutan (Santa)
Ako ay regaluhan (Santa)
'Wag niyo pong kalilimutan (Santa)
Na ang dami niyo nang utang

[Verse 7: Huddass]
Gusto ko pa sanang humiling
Dahil batid ko na ito ay tyak na makakarating
Subalit napaisip ako at biglang napailing
Dahil sa dami ng biyayang meron ako'y pwede ring sa iba na lang
Pangarap ang inyong maibigay
Sapat na sa'kin sa noche buena ay kasabay
Pamilya ko'ng kasama sa aking paglalakbay
Sa hirap man o sa ginhawa kahawak ko sa kamay

[Verse 8: Jekkpot]
Ako'y may liham na nabasa, tunay muli kong naalala
Pamilyar sa'kin bawat letra, ito'y sulat para kay Santa
Na ang nilalaman, sana naman kumpleto tayo sa Kapaskuhan
Tyak no'n ay masaya na 'ko kahit 'di niyo na 'ko pamaskuhan
Taon-taon na lang po kasing naghihintay sa'yo
Sa pagdating mo ako'y walang kasing saya 'pag ito'y tinupad mo
Para bang ang liham na ito'y sulat ko, nung bata pa ako
Na binalik mo sa'kin, Santa, bilang regalo sa anak ko

[Verse 9: Jnske]
Wala akong malaking hiling sa'yo, Santa
Kung 'di makumpleto lang ang pamilya ko
Kasama sa simbang gabi at noche buena
Bago sumapit ang Pasko
Masayang nagpapalitan ng regalo
Habang 'yung iba nasa kusina
Wala nang mas sasaya pa, 'pag na kumpleto
'Yun lang ang kahilingan ko sana

[Chorus: Bosx1ne]
Sulat para kay Santa
Alam mo bang naniniwala ako
At gabi-gabing naghihintay
Sulat para kay Santa
Sana lahat ng hiniling sa'yo
Matutupad at iyong mabigay
Sulat para kay Santa
'Wag niyo pong kakalimutan (Santa)
Ako ay regaluhan (Santa)
'Wag niyo pong kalilimutan (Santa)
Na ang dami niyo nang utang

[Outro: Bosx1ne]
Sulat para kay Santa
Alam mo bang naniniwala ako
At gabi-gabing naghihintay
Sulat para kay Santa
Sana lahat ng hiniling sa'yo
Matutupad at iyong mabigay
Sulat para kay Santa
'Wag niyo pong kakalimutan (Santa)
Ako ay regaluhan (Santa)
'Wag niyo pong kalilimutan (Santa)
Na ang dami niyo nang utang