This Band
Nang Iwan (Acoustic Version)
[Verse 1]
Nagtataka, natatakot, nalulungkot, nag-iisa
Alaala nang panahon no'ng nandiyan ka
Tila bangungot nang magising at wala ka na
Wala ka na

[Verse 2]
Nangangamba kung ako pa kaya'y iibigin pa
Dahil sa 'yong dinulot, parang wala na
Ang puso ko ngayo'y pagod nang umibig pa
Umibig pa

[Pre-Chorus]
Ilang taon na ang tiniis
Para hindi ka umalis
Ngunit ako'y iyong nilisan
Ako ba ang may kulang?

[Chorus]
Bakit ba binuhos panahon ko sa iyo?
Hindi na dapat pang inalay sa 'yo ang puso ko
Ngayon ako'y nahihirapan, 'kala ko'y walang hangganan
Ang sakit-sakit isipin na ako'y iyong iniwan

[Verse 3]
'Di mapinta aking sarili nang ikaw ay mawala
Hanapin ang sarili'y 'di ko na kaya
Hanggang kailan kaya ako magdurusa?
Magdurusa
[Verse 4]
Ano bang mali?
Bakit sa tuwing iibig ako'y laging sawi?
Ibigin ang sarili ay nawala na
Hanggang kailan kaya ako magdurusa?
Magdurusa

[Pre-Chorus]
Ilang taon ang tiniis
Para hindi ka umalis
Ngunit ako'y iyong nilisan
Ako ba ang may kulang?

[Chorus]
Bakit ba binuhos panahon ko sa iyo?
Hindi na dapat pang inalay sa 'yo ang puso ko
Ngayon ako'y nahihirapan, 'kala ko'y walang hangganan
Ang sakit-sakit isipin na ako'y iyong iniwan

[Bridge]
At kung muli na magtagpo
Sana sabihin mo na lang ang totoo
At kung huling usap na 'to
Isang tanong na lang ang sasabihin ko

[Chorus]
O, bakit ba binuhos panahon ko sa iyo?
Hindi na dapat pang inalay sa 'yo ang puso ko
Ngayon ako'y nahihirapan, 'kala ko'y walang hangganan
Ang sakit-sakit isipin na ako'y iyong iniwan
O, bakit ba binuhos panahon ko sa iyo?
Hindi na dapat pang inalay sa 'yo ang puso ko
Ngayon ako'y nahihirapan, 'kala ko'y walang hangganan
Ang sakit-sakit isipin na ako'y iyong iniwan
[Outro]
Bakit ba binuhos?
Ngayon ako'y nahihirapan
Ang sakit-sakit isipin na ako'y iyong iniwan