[Chorus]
Kayumanggi mong mga mata
O, kay tamis ng binibigkas niya
Higit pa sa lawak ng karagatan
Ang pinahiwatig niya
[Verse 1]
Sa natatangi mong kaluluwa
Umuuwi ang aking diwa
Kapag ang damdami’y may alinlangan
Sapat na ang iyong yakap
[Verse 2]
At ang bawat kulay ng bawat bahaghari
Ay walang nasabi, sa’yo nahuhumaling
[Interlude]
[Chorus]
Kung kayumanggi ang iyong balat
Ipagmalaki sa’n man mapadpad
Pagkapanganak hanggang sa paghimlay
Yakapin ang kulay
[Outro]
Pagkapanganak hanggang sa paghimlay
Yakapin ang kulay