[Intro: Gloc-9]
Buhay ay parang bisikleta lang
Pumidal kung 'di na kaya pang humakbang
Patag o malubak man ang daan
Kahit na malayong pupuntahan
Umahon ahon ahon ka
Bumangon bangon bumangon ka
[Verse: Gloc-9]
Tanda ko pa nung bata pa
Tatay ko mayr'ong dalang
Pasalubong galing Liverisa
Isang maliit na bisikleta
Na kalong kalong kalong nya
Anak bangon bangon bangon na
Nung binata na at pumoporma
Sa dalaga na kursonada
Dahil walang kotseng ipoporma
Dumadayong nakabisikleta
Umahon ahon ahon pa
Ako’y tapon tapon tapon din pala
[Chorus: Bugoy Drilon]
Buhay ay parang bisikleta lang
Pumidal kung 'di na kaya pang humakbang
Patag o malubak man ang daan
Kahit na malayong pupuntahan
[Interlude]
Umahon ahon ahon ka
Bumangon bangon bumangon ka
Umahon ahon ahon pa
Bumangon bangon bumangon ka
[Verse: Gloc-9]
Kapag ikaw ay natumba
Pagpagin, bangon ulit
'Di ka dapat mahiyang
Matalsikan, putik-putik
Kahit na gumulong ka
Tiisin mo ang sakit
Pagsikad sa kaliwa
Sa kanan naman ulit
Nakakalula ang ahon
'Di ko yata kakayanin
Tuyo na ang lalamunan
Salubong ka pa sa hangin
Luto sa araw maghapon
Parang binilad na daing
Papunta at pabalik
Sa trabaho na mahiyain
Ang sweldo 'di magmarka
Parang pidal sa alulod
Puwede kang magpahinga
Kesa naman masubsob
Pawis sa mga mata
Batok pati sa likod
'Di ka na makahinga
Pagod ka pa sa pagod
Parang bisikleta ang buhay
Kahit minsan lang aralin
'Di puwedeng pasuray-suray
'Di pwede ang alanganin
Iba't iba man ang kulay
Mura man o mamahalin
Makakarating ka rin
Mabagal man o matulin
[Interlude]
Umahon ahon ahon ka
Bumangon bangon bumangon ka
Umahon ahon ahon pa
Bumangon bangon bumangon ka
[Chorus: Bugoy Drilon]
Buhay ay parang bisikleta lang
Pumidal kung 'di na kaya pang humakbang
Patag o malubak man ang daan
Kahit na malayong pupuntahan
Buhay ay parang bisikleta lang
Pumidal kung wala ka nang masakyan
Makipot o maluwag man ang daan
Kahit na malayong pupuntahan
[Outro: Bugoy Drilon]
Umahon ahon ahon ka
Bumangon bangon bumangon ka
Umahon ahon ahon pa
Bumangon bangon bumangon ka
Woah ooh ooh ooh woah