[Verse 1]
Kung itong aming paglalayag inabot ng pagkabagabag
Nawa'y mabanaagan ka, hinirang na tala ng umaga
Kahit alon man ng pangamba, 'di alintana sapagkat naro'n ka
Ni unos ng pighati at kadiliman ng gabi
[Chorus]
Maria sa puso ninuman, ika'y tala ng kalangitan
Ningning mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw
[Verse 2]
Tanglawan kami aming Ina sa kalangitan naming pita (Sa kalangitan)
(Maria) Nawa'y maging hantungan pinakamimithing kaharian
[Chorus]
Maria sa puso ninuman, ika'y tala ng kalangitan
Ningning mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw
Maria sa puso ninuman, ika'y tala ng kalangitan
Ningning mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw