[Verse 1]
Maari bang, maari bang umusog-usog ng konti?
Hati-hati dahil masyadong masikip ang upuan
At kung iyong kausapin, ako nama'y hindi maselan
At payag matabihan, umusog lang, umusog nang konti
[Verse 2]
Maari bang, maari bang umusog-usog ng konti?
Madadaan sa usapan ang maaring pag-awayan
Sakali mang mayro'n kang napapansin, sabihin lang
At kung makatuwiran ako'y uusog din, kahit konti
[Chorus]
Hindi naman buong-buo ang hinihiling ko sa iyo
Ngunit kahit kapiraso, maaring magkasundo tayo
Iba't iba ang katuwiran ng tao sa lipunan
Ngunit ang kailangan lang, tayo'y huwag magtulakan
[Verse 3]
O, kay raming suliranin, araw-araw dumarating
Dahil 'di kayang lutasin, hindi na rin pinapansin
Subalit kung tutuusin, ang kadalasang dahilan
Kaibigan, ayaw nilang umusog nang kahit konti
[Chorus]
Hindi naman buong-buo ang hinihiling ko sa iyo
Ngunit kahit kapiraso, maano'y magkasundo tayo
Iba't iba ang katuwiran ng tao sa lipunan
Ngunit ang kailangan lang tayo'y huwag magtulakan
[Verse 4]
O, kay raming suliranin, oras dumarating
Dahil 'di kayang lutasin, hindi na rin pinapansin
Subalit kung tutuusin, iisa ang dahilan
Kaibigan, ayaw niyo lang umusog nang kahit konti
[Outro]
At kung iyong kausapin, ako nama'y hindi maselan
At payag matabihan, umusog lang kahit konti