Gary Granada
Sana’y Di Ka Masanay
[Verse 1]
Minsan ako'y sa isang lungsod napadako
Salat sa tubig, ilaw at trabaho
Ngunit sagana sa usok at basura
Mga naninirahan sa bangketa
Ang kwento nila sa akin
Buhay ay lumalala
Ngunit nakangiti pa rin
Sa tuwing bumabaha
Sana'y 'di ka masanay
Sana'y 'di ka masanay
Sa ganyang klaseng buhay
[Verse 2]
Minsan isang tulad kong musikero
Kagaya ng karaniwang tao
Naghahangad ng isang simpleng buhay
Ngunit walang awang nilang pinatay
Ang kwento nila sa akin
Marami raw ang nanuod
Ngunit upang pigilin
Walang naglakas-loob
Sana'y 'di ka masanay
Sana'y 'di ka masanay
Sa ganyang klaseng buhay
[Instrumental Break]
[Verse 3]
Minsan ako'y nasa isang pamantasan
Mga mag-aaral ang nagku-kuwentuhan
Ang lalim ng paksang pinag-uusapan
Kung paano ba mabilis yumaman
Kay raming nangangailangan
Sa sarili mong bansa
Ngunit ang karamihan
Ang isipa'y banyaga
Sana'y 'di ka masanay
Sana'y 'di ka masanay
Sa ganyang klaseng buhay
[Verse 4]
'Wag na 'wag kang masanay
'Wag tayong pasasanay
'Wag na 'wag na 'wag na 'wag na 'wag na 'wag na 'wag
'Wag na 'wag kang masanay
'Wag tayong pasasanay
Sa ganyang klaseng buhay